Wednesday, April 28, 2010

Bugtong na may sagot II



  1. May isang prinsesa, nakaupo sa tasa. (A princess sitting in a cup)


  2. Ate mo, ate ko, Ate ng lahat ng tao.(My sister, your sister, everyone's sister)


  3. Hiyas na puso, kulay ginto, mabango kung amuyin, masarap kung kainin. (Shape like a heart, gold in color, sweet to smell and good to eat.)


  4. Butong binalot ng bakal, bakal na binalot ng kristal. (Seed that is wrap in steel, steel that is wrap in crystal).


  5. Nag tapis nang nag tapis nakalitaw ang bulbolis. (She wears a skirt, but you can still what is inside).


  6. Aling pagkain sa mundo, ang nakalabas ang buto? (What fruit in the world that the seed is out?)


  7. Heto na si Ingkong, nakaupo sa lusong. (Here comes Ingkong, sitting in a fish catcher.)


  8. Nakatalikod na ang prinsesa, mukha niya'y nakaharap pa. (The princess is on her back, but her head is still facing us)


  9. Balat niya'y berde, buto niya'y itim,laman niya'y pula, sino siya? (Her skin is green, her seed is black, her tissue is red, who is she?)


  10. Kung tawagin nila'y santo, hindi naman milagroso. (He is called Saint, but with no miracle.)


  11. Bahay ni Mang Pedro, punung-puno ng bato. (House of Pedro, full of stone)


  12. Baboy sa pulo, ang balahibo ay pako. (An island pig with a hair as hard as a nail.)


  13. Nanganak ang birhen, itinapon ang lampin. (The virgin gave birth, but throw the nappy)


  14. Nakayuko ang reyna di nalalaglag ang korona. (The queen tilt her head but the crown did not fall)


  15. May langit, may lupa, May tubig, walang isda. (There is a sky, there is soil, there is water, but no fish)


  16. Kumpul-kumpol na uling, hayon at bibitin-bitin. (A bunch of charcoal, hanging here and there.)


  17. Bunga na ay namumunga pa. (A fruit that still bears fruit)


  18. Tiningnan nang tiningnan. Bago ito nginitian. (It was look twice before it smile)


  19. Hindi prinsesa, hindi reyna. Bakit may korona? (Not a princess, not a queen, but wears a crown).


  20. Isang magandang dalaga.‘Di mabilang ang mata. (A beautiful girl, you can't count her eyes)



    The answers:

    Answers to the Riddles


    1. Kasoy (Cashew)


    2. Atis (Sugar Apple)


    3. Mangga (Mango)


    4. Lansones (Lanzones)


    5. Mais (Corn)


    6. Kasoy (Cashew)


    7. Kasoy (Cashew)


    8. Balimbing (Star Apple)


    9. Pakwan (Watermelon)


    10. Santol (Santol fruit)


    11. Papaya (Pawpaw)


    12. Langka (Jackfruit)


    13. Saging (Banana)


    14. Bayabas (Guava)


    15. Niyog (Coconut)


    16. Duhat (Black Plum)


    17. Bunga


    18. Mais (Corn)


    19. Bayabas (Guava)


    20. Pinya (Pineapple)



MORE BUGTONG NA MAY SAGOT





No comments:

Post a Comment