Riddles with answers or Mga Bugtong na may Sagot.
Bugtong is word for riddle in the
Here are Some Tagalog Bugtong: Filipino Bugtong
Bugtong at Sagot
Ako ay may kaibigan, kasama ko kahit saan.
Sagot: anino
Sa araw ay bungbong, sa gabi ay dahon.
Sagot: banig
Kung kailan mo pinatay, saka pa humaba ang buhay.
Sagot: kandila
Dumaan ang hari, nagkagatan ang mga pari.
Sagot: siper
Maliit na bahay, puno ng mga patay.
Sagot: posporo
Hinila ko ang baging, sumigaw ang matsing.
Sagot: kampana o batingaw
Nakatalikod na ang prinsesa, ang mukha'y nakaharap pa.
Sagot: balimbing
. Lumuluha walang mata, lumalakad walang paa.
Sagot: ballpen o Pluma
Buto't balat na malapad, kay galing kung lumipad.
Sagot: saraggola
Isa ang pasukan, tatlo ang labasan.
Sagot: kamiseta
Sa maling kalabit, may buhay na kapalit.
Sagot: baril
Kay lapit-lapit na sa mata, di mo pa rin makita.
Sagot: tenga
Dalawang batong itim, malayo ang nararating.
Sagot: mga mata
Hindi pari, hindi hari, nagdadamit ng sari-sari.
Sagot: paruparo
Magandang prinsesa, nakaupo sa tasa.
Sagot: kasoy
Heto na si Kaka, bubuka-bukaka.
Sagot: palaka
May bintana nguni't walang bubungan,
may pinto nguni't walang hagdanan.
Sagot: kumpisalan
Baka ko sa palupandan, unga'y nakakarating kahit saan.
Sagot: kulog
Maliit pa si kumare, marunong ng humuni.
Sagot: kuliglig
Naabot na ng kamay, ipinagawa pa sa tulay.
Sagot: kubyertos
Tinaga ko ang puno, sa dulo nagdurugo.
Sagot: gumamela
Sagot: gumamela
Munting hayop na pangahas, aaligid-aligid sa ningas.
Sagot: gamu-gamo
Dumaan ang hari, nagkagatan ang mga pari.
Sagot: siper
Mayrong araw, mayrong buwan hindi naman langit
mayrong katapusan ngunit muling nagbabalik
Tumatanda ngunit isang taong gulang lagi,
wakas niya ay ipinagbubunyi
May dila nga ngunit ayaw namang magsalita,
kambal silat laging kasama ang isat isa
Itali o igapos kahit higpitan mo pa
tiyak silang sa iyo ay sasama
(it has a tongue but doesn’t speak, it has a twin that goes with it; tie them tight and they will go with you everywhere)
Thats all for now in Mga Bugtong may sagot.
I will research more Riddle or Bugtong in coming days.
1. Mapagabi, mapa-araw… walang tigil ang pagdaldal; ngunit kapag nakainisan, atin namang napapatay, nang tayo’y di nasasakdal sa alinmang hukuman. – RADYO
(Day and night, you talk. But if I get irritated I will kill you, that I don’t get convicted by the judge). - RADIO
2. Halina’s gabi na, sulong at umaga na. – BINTANA
(Come, it’s goodnight. Go, it’s good morning) - WINDOW
3. Maikling landasin, di maubos lakarin. – ANINO
(The distance is short but it’s still unreachable) SHADOW
4. Binili ko nang di kagustuhan, ginamit ko nang di ko nalalaman. – KABAONG
(I bought it even if I didn’t want to; I used it without knowing I did). – CASKET
5. Maitim na parang tinta, pumuti hindi kinula. – UBAN
(It’s black like ink, it’s white without bleaching) – WHITE HAIR
For More Bugtong na May Sagot
No comments:
Post a Comment