Saturday, June 5, 2010

Mga Tulang Pilipino - Filipino Poem

Si Ako at si Ikaw


Ako ang piloto
Sa sarili kong eroplano.
Gawa man sa papel
Matayog naman ang lipad nito.
Papadala sa ihip ng hangin
Hanggang maikot ang mundo.
Maglalakbay sa anumang sulok
Kahit bilog ito.

Ikaw ang bida
Ng sarili mong palabas.
Sa kuwentong sinimulan
Ngunit di alam ang wakas.
Dula na ikaw ang bida
At wala ng iba.
Hanap ay nawawalang pag-ibigMula sa pusong taglay ng isang prinsesa



SABIK


Buong buhay na hinintay
Huling saglit ng isang buhay
Sandaling mawawalan ng paningin
Hiningay mawawalan ng hangin.

Hindi man hinahangad ng sinuman
Subalit itoy sasapitin
Ano o kahit sino ka man
Hantungan na walang katapusan
Lugar na maliwanag…
Walang lumbay…
Puros kasiyahan.

Ito ang isang paraiso
Tanawin para sa ikalawang buhay ng tao
Hindi mo man naisin
Subalit higit na gugustuhin ko
Malayo lamang sa makasalanang paligid
Na ginagalawan ko
Akoy sabik na
Sa mas matahimik na mundo!



Awit para sa Kabataan (Song For the Children)


isang tono...
sasabayan ang bulong ng hangin
isang liriko...
sasabihin ang laman ng damdamin
isang himig...
laman ng pusoy aawitin
isang nota...
para lamang siyay dinggin
isang mangaawit...
pusong hanap ay wagas na pag-ibig
buwan na nakikinig...
ng awit mula sa ibong magiting
saksi ang langit...
dalawang pusoy pagbibigkisin.







Bihag - Kidnap


Ginapos…
Binigkis ang sariling damdamin
Mahigpit ang pagkakatali
Sa pusong wala ng ibang iibigin
Tanging ikaw lamang
Sa ibay di titingin
Pagkat taglay mo
Pag-ibig na pangarap
Nananaginip kahit pa gising.

Binusalan…
Matapos marinig ang laman ng damdamin
Sambit ng mga labi
Hatid ay mga salitang nais ay maglambing
Pangako na hanggang wakas ay iibigin
Hanggang sa kailanman o
Kabilang buhay man ay dumating.

Bihag…
Hindi na naiwasan
Na ako ay malalag
Sa isang pain
Maaari bang sabihin
Kung ano ang iyong lihim
Bakit ang tulad ko’y
Napukaw ang damdamin.









No comments:

Post a Comment